Disenyo ng ‘backrider shield’ dapat pag-aralan ng IATF ayon kay Sen. Go
Umapela si Senator Christopher Go sa Inter-Agency Task Force at National Task Force COVID-10 na pag-aralang mabuti ang iba’t ibang disenyo na mga shield na maaaring ipagamit sa motorcycle backriding.
Aniya hindi dapat madaliin ang pag-apruba sa disenyo dahil buhay at kaligtasan ang nakasalalay.
Dagdag pa ni Go, makakabuti kung pakikinggan ng dalawang task forces ang mga apila ng motorcycle riders gayundin ang mga sinasabi ng mga safety experts para hindi na makadagdag pa sa kasalukuyang krisis ang anuman problema na magmumula sa isyu ukol sa motorcycle shield.
Gumagamit ng motorsiklo ang senador kayat aniya batid niya at naiintindihan niya ang mga opinyon ukol sa shield sa pagitan ng rider at kanyang backrider.
Kasabay nito ang panawagan ng senador sa mamamayan na bagamat unti unti nang nagbabalik ang mga pampublikong sasakyan hindi ito dapat maging dahilan para lumabas ng bahay kahit hindi naman kailangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.