Ito ay makaraang ilabas ng Department of Budget and Management ang Circular No. 562 at Local Budget Circular 108 na siyang magpapatupad sa unang ‘tranche’ ng Salary Standardization Law 4 na hindi naisabatas ng Kongreso pero nabigyan na ng pondo sa ilalim ng 2016 General Approriations Act.
Ayon sa DBM, sakop nito ang adjustment sa sahod ng mga government workers at karagdagang allowance para sa mga military at uniformed personnel alinsunod sa Executive Order 201 series of 2016 na pinirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III.
Paglilinaw pa ni Budget Secretary Florencio ‘Butch’ Abad, dahil retroactive ang pagpapatupad ng first tranche mula January 1, makakatanggap ang mga kawani ng gobyerno ng salary differential at ang mga military at uniformed personnel ng hazard pay differential at mga bago nitong allowance para sa nakaraang buwan.