Unang tranche ng salary increase ng gov’t workers, aayusin na

By Alvin Barcelona February 25, 2016 - 04:22 AM

 

teachers-298x224Puwede nang umpisahan sa susunod na linggo ang pag-proseso sa umento sa sahod ng mga empleyado ng gobyerno.

Ito ay makaraang ilabas ng Department of Budget and Management ang Circular No. 562 at Local Budget Circular 108 na siyang magpapatupad sa unang ‘tranche’ ng Salary Standardization Law 4 na hindi naisabatas ng Kongreso pero nabigyan na ng pondo sa ilalim ng 2016 General Approriations Act.

Ayon sa DBM, sakop nito ang adjustment sa sahod ng mga government workers at karagdagang allowance para sa mga military at uniformed personnel alinsunod sa Executive Order 201 series of 2016 na pinirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III.

Paglilinaw pa ni Budget Secretary Florencio ‘Butch’ Abad, dahil retroactive ang pagpapatupad ng first tranche mula January 1, makakatanggap ang mga kawani ng gobyerno ng salary differential at ang mga military at uniformed personnel ng hazard pay differential at mga bago nitong allowance para sa nakaraang buwan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.