Singer na si Claire Dela Fuente hinatulang guilty sa kasong tax evasion
Hinatulang guilty ng Court of Tax Appeals (CTA) sa pitong bilang ng kasong tax evasion ang singer na si Claire dela Fuente.
Sa desisyon ng CTA, sa loob ng pitong taon ay nabigo si Dela Fuente na maghain ng income tax returns para sa kumpanyang Philippine Corinthian Liner Corporation (PCLC) na kaniyang pag-aari.
Hinatulan si Dela Fuente na mabilanggo ng isang taon sa bawat bilang ng kasong kriminal na kaniyang kinakaharap.
“For each of the consolidated criminal cases, she is hereby SENTENCED to suffer the straight penalty of imprisonment of one (1) year,” ayon sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Ma. Belen M. Ringpis-Liban.
Inatasan din ang singer na magbayad ng P50,000 at may katumbas itong subsidiary imprisonment kung hindi siya makababayad.
Napatunayan ding guilty ang PCLC sa paglabag sa Section 255 in relation to Section 256 ng National Internal Revenue Code of 1997.
Inatasan ang kumpanya na magbayad ng multang P100,000 sa bawat bilang ng kaso.
Ang kaso ni Dela Fuente na si Clarita De Guzman sa totoong buhay ay nag-ugat matapos matuklasang hindi naghain ng income tax returns ang bus company mula 1998 hanggang 2004.
\
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.