Konstruksyon ng New Manila International Airport sa Bulacan sisimulan na sa Oktubre ayon sa SMC
Kinumpirma ni San Miguel Corporation President at COO Ramon Ang na sa buwan ng Oktubre ay uumpisahan na ang konstruksyon ng New Manila International Airport sa Bulacan.
Ayon kay Ang, patuloy ang pag-invest ng SMC para sa infrastructure projects at kamakailan, natanggap na ng SMC ang approval ng Department of Justice (DOJ) para sa itatayong airport sa Bulacan.
Itatakda na lamang aniya ang petsa para sa paglagda ng financial closure sa mga financer banks.
At sa susunod na dalawa o tatlong buwan ay magsasagawa na ng groundbreaking sa bagong paliparan.
“At tayo naman sa San Miguel, tuluy-tuloy ang ating investment to build infrastructure projects. In fact, nakuha na namin ‘yung approval or review ng DOJ [Department of Justice] doon sa Bulacan Airport. At ‘yung Bulacan Airport, tinitingnan lang namin ‘yung araw for the signing of the financial closure with the financer banks. So tuloy na rin ‘yan within the next two to three months, ‘yung Bulacan Airport, groundbreaking na rin,” ayon kay Ang.
Tinawag ni Ang na “game-changer for tourism” ang naturang proyekto.
Inaasahan kasing aabot sa 30 milyong turista ang gagamit sa paliparan.
Layon ng pagtatayo ng airport sa Bulacan na ma-decongest ang Ninoy Aquino International Airport.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.