Siyam na volcanic earthquake naitala sa Mt. Kanlaon sa magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo July 16, 2020 - 09:31 AM

Sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala ng siyam na volcanic earthquake sa Mt. Kanlaon.

Ayon sa Volcano Bulletin ng Phivolcs na inilabas ngayong araw, July 16, nakapagtala din ng moderate emission ng kulay puting steam-laden plumes mula sa crater ng bulkan na ang taas ay umabot sa hanggang 300 meters.

Noong July 14 ang sulfur dioxide mula sa Bulkang Kanlaon ay nasukat sa average na 919 tonnes/day.

Nananatili sa alert level 1 ang Mt. Kanlaon na nangangahulugang hindi pa rin normal ang kondisyon nito.

Paalala ng Phivolcs sa lokal na pamahalaan bawal pa rin ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng bulkan.

Inabisuhan din ang Civil aviation authorities na payuhan ang mga piloto na iwasan ang pagpapalipad ng eroplano malapit sa summit ng bulkan dahil maari itong magkaroon ng biglaang phreatic eruption.

 

 

 

 

TAGS: Inquirer News, kanlaon, News in the Philippines, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, kanlaon, News in the Philippines, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.