“Partisipasyon ng militar sa EDSA people power hindi dapat kalimutan”-Honasan

 

Inquirer file photo

Kahit 30 taon na ang nakalilipas, nakakaramdam pa rin ng pagkadismaya si dating Army Colonel at ngayo’y senador Gringo Honasan sa hindi pagbibigay ng kaukulang pagpapahalaga ng ilang kritiko sa naging partisipasyon ng militar sa 1986 People Power Revolution na tumapos sa rehimeng Marcos.

Giit ni Honasan, hindi lamang iilang personalidad at taumbayan ang naging susi sa pagpapabagsak sa diktaturya ni dating Pangulong dahil nagkaroon din ng malaking partisipasyon ang kanilang hanay dito.

Paliwanag pa ng senador, pagod na siya na marinig ang ilang nagpapakilalang mga ‘eksperto’ taun-taon sa mga kaganapan noong February 22, 1986 ngunit napatunayang wala naman sa aktuwal na lugar na pinangyayarihan ng mga kaganapan.

“Why should they know better than us? How can you give your version of history when you’ were not even there? This is what I don’t like, this organized hypocrisy,” giit ng senador na tumatakbo bilang vice president sa nalalapit na halalan.

Noong mga panahong iyon aniya, handa na ang Reform the Armed Forces Movement o RAM na salakayin ang Malacañang.

Idinagdag pa ni Honasan, tatlong taon bago ang People Power, bumubuo na sila ng grupo upang ilunsad ang pag-atake sa Malacañang.

Handa sila noon aniya na ialay ang kanilang buhay para sa kapakanan ng bayan.

Read more...