Canteen at playground sa mga eskwelahan sarado muna sa pagbubukas ng klase

By Chona Yu July 16, 2020 - 08:15 AM

DepEd Photo

Hindi na muna papayaagan ng pamahalaaan ang mga canteen at playground sa mga eskwelahan sa pagbubukas ng klase sa August 24.

Sa IATF meeting Miyerkules (July 15) ng gabi sa Malakanyang na ipinatawag ni Pangulong Duterte, sinabi ni National Task Force Against COVID-19 chief implementor Carlito Galvez, ito ay kung magreresume na ang physical classes sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine.

Bawal na muna ang canteen at playground dahil nagkakaroon ng physical contact ang mga estuydante at may tsansang mag usap ng malapitan at tumalaik ang laway na maaring maging dahilan ng pagkalat ng COVID-19.

“Una, dapat walang pong playground. Kasi po pagka may playground, magkakaroon po ng tinatawag na close contact at saka mayroon po tayong tinatawag na ano — na possibility na magkaroon ng transmission because of maba-violate po ‘yung social distancing,” ani Galvez.

Babaguhin din aniya ang pamamaraan nb pagpasok ng mga estudyante sa mga eskwelahan.

Ayon kay Galvez, magkakaroon ng one way in at one way out para hindi magkasalubungan ang mga estudyante.

Ayon pa kay Galvez, para naman sa mga estudynate na mga mayaayaman na nag aaral sa mga pribadong eskwelahan at kayang manatili sa mga dormitoryo, maari aniyang isalang sa PCR test ang mga ito at hindi na muna palabasin sa kani-kanilang mga dormitoryo at doon na muna hayaang mag-aral.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, playground, Radyo Inquirer, school canteen, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, playground, Radyo Inquirer, school canteen, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.