Libreng pamamahagi ng face mask sa lahat ng mamamayan pinaburan ni Pangulong Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo July 16, 2020 - 08:06 AM

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health (DOH) na mag-cavass ng face mask para mapaglaanan ng pondo ng pamahalaan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Dr. Anthony Leachon, na ipinanukala niya kay Pangulong Duterte at Inter Agency Task Force sa pulong kagabi na gawing libre para sa lahat ang face mask.

Sinabi ni Leachon na sa mga lugar na maraming mahihirap na pamilya na walang maipambili ng pagkain, tiyak ding wala silang pambili ng face mask.

Marahil ani Leachon na hindi talaga nais lumabag ng ilang mamamayan sa patakaran sa pagsusuot ng face mask kundi wala lamang silang pera pambili nito.

Ani Leachon sinabi ng pangulo na dahil hindi naman kamahalaan ang face mask, walang gobyerno na hindi kakayaning i-provide ito ng libre sa mga mamamayan.

Si Leachon ay muling inimbitahan para dumalo sa diskusyon ng IATF kahapon.

Magugunitang naging kontrobersyal si Leachon matapos pagbitiwin bilang special adviser ng National Task Force against COVID-19.

 

 

TAGS: anthony leachon, covid pandemic, COVID-19, department of health, face mask, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, anthony leachon, covid pandemic, COVID-19, department of health, face mask, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.