Twitter gumagawa na ng hakbang para maisaayos ang problema sa nangyaring security breach

By Dona Dominguez-Cargullo July 16, 2020 - 07:56 AM

Kinumpirma ng pamunuan ng Twitter ang security breach na nangyari sa maraming accounts.

Ayon sa Twitter, iniimbestigahan na nila at nagsasagawa na sila ng hakbang para maiayos ang problema.

Habang ginagawa ang pagsasaayos, sinabi ng Twitter na maaring mahirapan ang netizens na mag-tweet at magsagawa ng pag-reset ng kanilang password.

Nagsasagawa ngayon ng review ang Twitter sa nangyari..

Sa ngayon nagpapatupad ng limitasyon sa pag-tweet, password reset at sa iba pang account functionalities ang Twitter.

Humingi ng pasensya ang Twitter sa publiko habang ito ay ginagawa.

Kabilang sa nabiktima ng hacker ang mga account nina Joe Biden, Bill Gates, Elon Musk, kumpanyang Apple, Uber, Twitter nina Kanye West, Jeff Bezos at Mike Bloomberg.

 

 

TAGS: hacking, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, technology, Twitter, hacking, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, technology, Twitter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.