Mga Pinoy na magtutungo ng UAE kailangan ng negatibong PCR test bago makaalis

Kailangang tiyak na negatibo sa COVID-19 ang isang Pinoy bago ito mapayagan na umalis ng bansa kung patungo ng United Arab Emirates (UAE).

Batay ito sa requirements na ipinatutupad ng pamahalaan ng UAE.

Ayon sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kailangan na iprisinta ng Pinoy ang negatibong resulta ng kaniyang COVID-19 test bago mapayagang sumakay sa flight patungong UAE.

Kailangang ang PCR certificate ay inisyu ng isang approved laboratory sa Pilipinas.

Dapat ding hindi lalagpas sa 96 hours ang certificate o apat na araw bago ang departure .

 

 

 

Read more...