Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 187 na bagong kaso ng sakit kahapon.
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 12,669 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 6,454 na lang ang aktibong kaso.
May naitala naman 17 na dagdag na nasawi, sa ngayon mayroong 614 na nasawi sa COVID-19 sa Central Visayas.
Nakapagtala naman ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 117 dahilan para umabot na sa 5,601 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 7,685 cases.
Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:
Cebu Province – 2,213
Mandaue City – 1,345
Lapu-Lapu City – 1,303
Negros Oriental – 68
Bohol – 55
Siquijor – 0