Lockdown sa Navotas City simula na ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo July 16, 2020 - 05:32 AM

Nagsimula na alas 5:00 ng umaga ngayong araw (July 16) ang lockdown sa buong lungsod ng Navotas.

Tatagal ang pag-iral ng lockdown sa lungsod hanggang sa alas 11:59 ng gabi ng July 29.

Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco punuan na kasi ang mga health at quarantine facilities sa Navotas habang patuloy pa ang pagdami ng kaso ng COVID-19.

Sa ilalim ng pag-iral ng lockdown, ang mga residente sa bawat barangay ay may nakatakdang araw lang para lumabas ng bahay ipang mamalengke o mag-grocery.

Kapag araw ng Linggo, walang papayagan na lumabas dahil ito ay araw para sa pagsasagawa ng disinfection.

24-oras ding iiral ang curfew para sa mga wala pang 18 ang edad.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, lockdown, Modified general community quarantine, Navotas City, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, lockdown, Modified general community quarantine, Navotas City, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.