COVID-19 cases sa Mandaluyong City, umabot na sa 1,181
Napaulat ang 29 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (July 15), 1,182 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa 1,182, 329 ang aktibong kaso.
163 ang itinuturing na probable cases habang 785 ang suspected cases kung saan 4,322 ang cleared na.
Nadagdagan naman ng apat ang mga bagong gumaling.
Dahil dito, 780 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
73 namang residente ang pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.