77 pang kaso ng COVID-19, napaulat sa Western Visayas
Nagpositibo ang 77 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang July 15, umakyat na sa 688 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
430 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Karamihan sa mga bagong kaso ay locally stranded individuals.
Nakasailalim ang mga bagong COVID-19 patient sa quarantine facility.
22 naman ang bagong gumaling sa Western Visayas.
Dahil dito, umakyat na sa 246 ang total recoveries sa Western Visayas.
Nasa 12 naman ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.