24 oras na curfew sa lahat ng may edad 18 pababa, ipatutupad na sa Navotas

By Angellic Jordan July 15, 2020 - 09:28 PM

Ipatutupad na ang 24 oras na curfew sa lahat ng may edad 18 pababa sa Navotas City.

Ito ay matapos maipasa ang City Ordinance No. 2020-33 sa lungsod.

Ayon sa Navotas City government, sa ilalim nito, hindi maaaring lumabas ng bahay ang mga residente na 18 taong gulang pababa.

Papayagan lamang ang mga ito kung mag-i-enroll kasama ang magulang o guardian at sakaling mayroong emergency.

Sinabi ng Navotas LGU na paparusahan ang mga magulang o guardian kapag hinayaang gumala, tumambay o maglaro ang anak sa labas ng kanilang bahay.

Papatawan P1,000 multa ang sinumang sumuwag sa unang paglabag, P2,000 sa ikalawang paglabag, P3,000 o pagkakulong sa ikatlong paglabag habang P4,000 o pagkakulong sa ikaapat o susunod pang paglabag.

TAGS: 24-hour curfew, City Ordinance No. 2020-33, Inquirer News, Navotas City Ordinance No. 2020-33, Radyo Inquirer news, 24-hour curfew, City Ordinance No. 2020-33, Inquirer News, Navotas City Ordinance No. 2020-33, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.