‘Flattened the curve claim’ ni Sec. Duque, imahinasyon lang – Zubiri, Angara

Hindi naniniwala kayat humingi ng paliwanag si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri kay Health Secretary Francisco Duque III sa ‘flattened the curve.’

Naniniwala si Zubiri na imahinasyon lang ni Duque na nagwawagi na ang gobyerno sa pakikidigma sa COVID-19.

“OMG! Dear Secretary Duque, with all due respect, please tell us what curve is flattening?” sabi ng senador at dagdag pa nito,” “is it the fact that the cases in April were at an average of two hundred a day as compared to the daily average of over a thousand cases today? Or is it the fact that we will soon be number one in South East Asia in terms COVID-19 cases?”

Diin pa ng senador, ang tanging na-‘flat’ ngayong pandemiya ay ang likod ng mga mahihirap na pasyente na lumalaban para sa kanilang buhay.

“Wag mag bulag-bulagan and act to stop the surge instead of imagining it,” diin pa nito.

Ito rin ang obserbasyon ni Sen. Sonny Angara at aniya, ang paniniwalaan niya ay halos wala pang maituturing na talagang tagumpay ang gobyerno kontra sa sakit.

“Hardly. If he said that three weeks ago, I might have believed him but the hospital COVID wards are filling up again. There seem to be less people dying but cases seem to be on the up,” ayon kay Angara.

Magugunita na noong Marso, kapwa nagpositibo sa COVID-19 ang dalawang senador.

Read more...