Sen. Pangilinan, handang bitawan ang komite sa Senado

By Jan Escosio July 15, 2020 - 08:49 PM

Tanging ang pamunuan lang ang maaaring magpabitaw sa kanya sa Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.

Ito ang sinabi ni Sen. Francis Pangilinan kaugnay sa diumanoy plano na patalsikin siya sa komite para magbigay daan sa planong pag-amyenda sa Saligang Batas.

“I am ready to give up the post anytime if asked by the Senate leadership but certainly not because of the ‘clamor’ of paid online trolls,” aniya.

Dagdag nito, sablay para sa kanya ang argumento na mareresolba ang problema sa COVID-19 kapag nabago na ang Konstitusyon.

Samantala, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na gawa-gawa o imbento lang ang plano na pagpapatalsik kay Pangilinan.

Sinabi nito na siya ang namumuno sa Senado ngunit wala siyang alam at dahil aniya lumalabas na mas may alam ang mga nagkalat ng balita dapat ang mga ito na lang ang tanungin.

Ayon naman kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, ginagamit lang ang ‘trolls’ ng mga nais mabago ang Saligang Batas.

Wala ring alam si Sen. Joel Villanueva na may mga gusto sa mga senador na makuha kay Pangilinan ang nabanggit na komite.

“Honestly, ngayon ko lang narinig ‘yun.I have yet to hear anyone, even chismis or rumors about it,” sabi pa ni Villanueva.

TAGS: Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Francis Pangilinan, Sen. Franklin Drilon, Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, Vicente Sotto III, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Francis Pangilinan, Sen. Franklin Drilon, Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.