Isang barangay sa Caloocan, isinailalim sa lockdown

By Angellic Jordan July 15, 2020 - 07:53 PM

Nakasailalim na sa lockdown ang isang barangay sa Caloocan.

Ayon kay Mayor Oca Malapitan, nasa total lockdown ang Barangay 38 para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ipinaliwanag ng alkalde na layon nitong magsagawa ng mabilis na contact tracing at testing.

Tiniyak naman ni Malapitan na mamamahagi pa rin ng relief goods sa mga residente sa kasagsagan ng lockdown.

Epektibo ang lockdown simula 12:01 ng madaling-araw ng July 14 hanggang 11:59 ng gabi ng July 20.

Batay sa huling datos, 42 na ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa nasabing barangay.

TAGS: COVID-19, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Mayor Oca Malapitan, Radyo Inquirer news, total lockdown Barangay 38, COVID-19, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Mayor Oca Malapitan, Radyo Inquirer news, total lockdown Barangay 38

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.