Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina umabot na sa 524

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (3:00 PM Miyerkules, July 15) pumalo na sa 524 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus kung saan 33 ang nadagdag.

Sa nasabing bilang, 190 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay nanatili sa 32.

Nanatili sa 302 ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit.

Read more...