Sec. Duque, nagbigay-linaw sa pahayag na na-flatten ang COVID-19 curve sa bansa noong Abril
Naglabas ng paglilinaw si Health Secretary Francisco Duque III sa kaniyang naging pahayag na na-flatten na ang COVID-19 curve sa Pilipinas noong buwan ng Abril.
Sinabi ito ng kalihim sa pre-State of the Nationa Address forum.
“Our case doubling time in April passed the 3 day doubling time mark; NOW, July 15 – it is at 8 days CDT (past the 7-day doubling time mark),” pahayag ni Duque sa Twitter.
“This means we bent the curve in April after the March ECQ but we are seeing an increase in cases due to the expanded testing capacity and community transmission as we allow movement of people,” paliwanag pa nito.
Nagkakaroon aniya ng pagtaas sa mga kaso ng nakakahawang sakit dahil sa expanded testing capacity at community transmission.
Ani Duque, ang mahalaga ay mapanatili ang bilang ng mga kaso at manageable levels.
Dahil dito, importante aniyang sundin pa rin ang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face maks, paghuhugas ng kamay, at social distancing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.