COVID-19 patients na mananatili sa quarantine facilities sa San Juan City, makakatanggap ng P3,000 cash aid
Inanunsiyo ni San Juan City Mayor Francis Zamora na makakatanggap ng P3,000 tulong pinansyal at iba pang pangangailangan ang mga COVID-19 patient na mananatili sa quarantine facilities.
Paliwanag ng alkalde, layon nitong mahikayat ang mga pasyenteng apektado ng nakakahawang sakit na lumipat sa quarantine facilities sa halip na manatili sa kanilang bahay.
Maaari kasi aniyang mahawa ang iba pang miyembro ng pamilya.
Mayroong tatlong quarantine facilities sa nasabing lungsod.
Kasama rito ang San Juan Medical Center, Kalinga Center at San Juan National High School.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.