Higit 29,000 pang kaso ng COVID-19, naitala sa India

Mahigit 29,000 ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa datos ng health ministry sa India hanggang 8:00 ng umaga (July 15), pumalo na sa 936,181 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.

Sa nasabing bilang, 319,840 pa ang aktibong kaso.

Nadagdagan naman ng 20,572 ang mga gumaling.

Dahil dito, 592,032 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa India.

Umakyat naman sa 24,309 ang nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...