Ayon sa ospital, puno na ang kanilang COVID-19 assigned floors, wards, Emergency Room at Intensive Care Unit.
“Our Annex and the expanded screening area have triaged thousands of COVID-19 cases since March, and just like other hospitals, every day, our ER and ER Annex receive more suspected and confirmed COVID-19 patients,” pahayag ng ospital.
Kasabay ng pagnanais na matupad ang misyon na makapaghatid ng atensyong-medical, sinabi ng ospital na ayaw nilang makompromiso ang kanilang serbisyo.
Tuloy pa rin naman anila ang pagsasagawa ng COVID-19 testing sa outpatients sa Annex o sa ER.
Para naman sa mga ER patient na nais magpa-confine, sinabi ng VRP na aasiste sila para makapaghanap ng ospital na malilipatan.