Ilang lalawigan sa Southern Luzon uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang ilang lalawigan sa Southern Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas alas 12:42 ng tanghali, Miyerkules (July 15) ay makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang Cavite, Laguna, Batangas at Quezon sa susunod na mga oras.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

Ang malakas na buhos ng ulan na maraanasan ay maari ding magdulot ng landslide sa mga bulubunduking lugar.

 

 

Read more...