DND office sasailalim sa lockdown

Sasailalim sa lockdown simula ngayong araw (July 15) ang tanggapan ng Department of National Defense (DND).

Ito ay para makapagsagawa ng disinfection sa main building ng DND.

Magre-resume ang normal na operasyon sa DND office sa July 17, araw ng Biyernes.

Maliban sa dinsinfection sa opisina ng DND, sasailali din sa mandatory rapid testing ang mga empleyado ng ahensya.

Tintayang aabot sa 300 empleyado ang sasailalim sa testing.

Una nang inanunsyo ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na isa sa kaniyang staff ang nagpositibo sa COVID-19.

 

 

Read more...