Ito ay kasunod ng presentasyon ni DOH Usec. Abdullah Dumama Jr., na malaki ang bilang ng pangangailangan para sa PPEs sa mga lalawigan ng Mindanao.
Sabi ni Dumana nasa 37, 470 na PPE ang kailangan limang rehiyon ng Mindanao kung saan pinakamalaki ang pangangailangan ay sa Zamboanga Peninsula pero16,460 lamang ang kanilang natanggap.
Nangangamba naman si Zamboanga Sibugay Rep. Wilter “Sharky” Palma II na sa unti-unting pagbubukas ng mga commercial flights sa Mindanao at ng ekonomiya ay tataas ang bilang ng COVID-19 cases sa rehiyon at posibleng kulangin ang suplay ng PPEs para sa kanilang mga frontliners.
Giit ng kongresista, huwag naman sanang ituon lamang sa Luzon ang mataas na suplay ng PPEs.
Aniya, mismong sila sa lokal na pamahalaan ay gumagawa na ng paraan para mapunan ang kakulangan sa suplay ng PPEs.
Katwiran ni DOH-9 Regional Director Emilia Monicimpo, hindi sa kanila kundi sa central office pa nanggagaling ang alokasyon para sa PPEs at nagbabahagi nito sa iba’t ibang medical facilities.
Tiniyak naman ni Dumama na aaksyunan sa lalong madaling panahon ang kakulangan ng suplay sa PPEs pati na rin ang karagdagang testing kits sa Mindanao region.