Karagdagang PPEs ipinalalaan sa Mindanao

By Erwin Aguilon July 15, 2020 - 11:29 AM

Pinaglalaan ni House Committee on Mindanao Affairs Chairman at Lanao del Norte Rep. Mohamad Khalid Dimaporo ang Department of Health ng buffer stock ng personal protective equipment (PPEs) sa Mindanao region.

Ito ay kasunod ng presentasyon ni DOH Usec. Abdullah Dumama Jr., na malaki ang bilang ng pangangailangan para sa PPEs sa mga lalawigan ng Mindanao.

Sabi ni Dumana nasa 37, 470 na PPE ang kailangan limang rehiyon ng Mindanao kung saan pinakamalaki ang pangangailangan ay sa Zamboanga Peninsula pero16,460 lamang ang kanilang natanggap.

Nangangamba naman si Zamboanga Sibugay Rep. Wilter “Sharky” Palma II na sa unti-unting pagbubukas ng mga commercial flights sa Mindanao at ng ekonomiya ay tataas ang bilang ng COVID-19 cases sa rehiyon at posibleng kulangin ang suplay ng PPEs para sa kanilang mga frontliners.

Giit ng kongresista, huwag naman sanang ituon lamang sa Luzon ang mataas na suplay ng PPEs.

Aniya, mismong sila sa lokal na pamahalaan ay gumagawa na ng paraan para mapunan ang kakulangan sa suplay ng PPEs.

Katwiran ni DOH-9 Regional Director Emilia Monicimpo, hindi sa kanila kundi sa central office pa nanggagaling ang alokasyon para sa PPEs at nagbabahagi nito sa iba’t ibang medical facilities.

Tiniyak naman ni Dumama na aaksyunan sa lalong madaling panahon ang kakulangan ng suplay sa PPEs pati na rin ang karagdagang testing kits sa Mindanao region.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Mindanao, Modified general community quarantine, News in the Philippines, PPE, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Mindanao, Modified general community quarantine, News in the Philippines, PPE, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.