PNP aasiste lang sa health workers sa pagbabahay-bahay

Tutulong lamang ang Philippine National Police (PNP) sa health workers sa pagsundo sa mga pasyente ng COVID-19 sa kanilang mga bahay.

Paglilinaw ito ni Joint Task Force COVID Shield Lt. Gen. Guillermo Eleazar sa gitna ng mga pangamba matapos ang ulat na magbabahay-bahay ang mga pulis para hanapin ang mga may sintomas ng COVID-19.

Ani Eleazar base sa pahayag ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año aasisite lamang ang mga pulis.

Ang mga health worker pa rin aniya ang mangangasiwa sa pagbabahay-bahay.

Una rito inihaluntulad ni Senator Risa Hontiveros sa “Oplan Tokhang” ang gagawing pagbabahay-bahay ng PNP.

 

 

Read more...