Indonesian patay sa barilan sa Lanao del Sur

By Ruel Perez February 24, 2016 - 08:29 PM

Philippine Marines cross an intersection to avoid a sniper fire during a standoff for the second day Tuesday Sept. 10, 2013 as about 200 Muslim rebels, enraged by a broken peace deal with the Philippine government, held scores of hostages as human shields at the southern port city of Zamboanga, in southern Philippines. More battle-ready troops and police were flown to the southern port city of Zamboanga in a bid to end the crisis. The troops have surrounded the Moro National Liberation Front guerrillas with their hostages in four coastal villages since the crisis erupted Monday. (AP Photo/Bullit Marquez)
Inquirer file photo

Napaslang ang lider ng Foreign and Local Terrorist Organization (FLTO) sa ikalawang araw ng air at ground strike operation ng tropa ng militar sa kuta ng grupo sa Brgy. Bayabao, Butig , Lanao del Sur .

Kinilala ni AFP Western Mindanao Command spokesman Major Filemon Tan, ang napatay na lider ng FLTO na si Omar Maute na nagkukuta sa lugar kasama ang lokal na mga terorista.

Si Maute ay isang Indonesian na umano’y may ugnayan sa Jemaah Islamiyah (JI) terrorist group na naitatag ng Al Qaeda ni Osama bin Laden sa Southeast Asia.

Nitong Martes, sinabi ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na nasa 20 ang napatay na mga terorista kung saan ang grupo ni Maute ay tinatayang may 100 armadong fighters na nakikipagsagupa sa tropa ng gobyerno.

Samantala, dalawang sunadalo naman ang naiulat na  namatay at anim na iba pa ang nasugatan  sa nasabing  bakbakan ng tropa ng militar at ng mga terorista.

TAGS: AFP, JI, Lanado del Sur, Philippine Army, AFP, JI, Lanado del Sur, Philippine Army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.