Drive-thru testing center sa Maynila ilulunsad ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo July 15, 2020 - 08:36 AM

Nakatakdang ilunsad ngayong araw ng Manila City Government ang drive-thru COVID-19 testing center.

Ayon kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, ang drive-thru testing center ay bubuksan sa tapat ng Andres Bonifacio Monument.

Bukas ang drive-thru mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Ayon kay Moreno, kukuha ang mga tauhan ng Manila Health Department ng mga blood samples sa mga dadaan sa drive-thru at ipoproseso ito sa mga bagong biling COVID-19 serology testing machines.

Ang apat na makina mula sa American healthcare firm na Abbott ay may kakayanang makapagproseso ng 89,600 tests sa isang buwan.

Ayon sa alkalde maliban sa mga residente ng Maynila ay pwedeng dumaan sa drive-thru testing center kahit ang mga hindi taga-Maynila.

Ang mga walang sasakyan o hindi makadadaan sa drive-thru testing center ay ire-refer naman sa mga sumusunod na pasilidad:

-Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center
-Ospital ng Sampaloc
-Ospital ng Maynila
-Any health center near their residence

 

 

TAGS: Andres Bonifacio Monument, covid pandemic, COVID-19, department of health, drive-thru testing, general community quarantine, Health, Inquirer News, Manila City Government, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Andres Bonifacio Monument, covid pandemic, COVID-19, department of health, drive-thru testing, general community quarantine, Health, Inquirer News, Manila City Government, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.