Babaeng may droga sa bra huli sa Boystown

By Jan Escosio February 24, 2016 - 05:07 PM

Meth
Inquirer file photo

Inaresto ang isang babae nang tangkain nitong magpuslit ng droga sa loob ng Boystown sa lungsod ng Marikina.

Ayon sa Marikina City Police Station, sa loob ng kanyang bra isiniksik ni Sarah Johaira, tubong Marawi City at residente ng Ermita, Maynila ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nabatid na dadalawin sana ni Johaira ang isang kaanak na nasa Boystown ngunit nagduda na ang guwardiya dahil kahina-hinala ang ikinikilos nito.

Kaya’t kinapkapan ang suspek hanggang sa madiskubre ang inipit nitong droga sa kanyang dibdib.

Depensa din ng pamunuan ng Boystown, ang pagsasagawa ng body search ay bahagi ng kanilang security procedures para maiwasan ang pagpuslit ng mga ilegal na bagay ng mga bisita o dalaw.

TAGS: Boystown, drugs, Marikina City, Boystown, drugs, Marikina City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.