Residential area sa Mandaluyong City tinupok ng apoy

Nasunog ang isang residential area sa bahagi ng Brgy. Addition Hills sa Mandaluyong City.

Ayon sa Mandaluyong City Fire Department nagsimula ang sunoog alas 5:10 ng umaga ngayong Miyerkules, July 15 sa Guerrero Street.

Umabot lang sa unang alarma ang sunog at agad ding naapula alas 5:22 ng umaga.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang natupok.

 

 

Read more...