LPA na dating si bagyong Carina nasa bahagi pa rin ng Batanes; malulusaw sa susunod na mga oras – PAGASA
Nasa loob pa rin ng bansa ang Low Pressure Area na dating si tropical depression Carina.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 200 kilometers northwest ng Basco, Batanes.
Ayon sa PAGASA, hindi na maghahatid ng malalakas na pag-ulan ang LPA at inaasahang malulusaw ito sa susunod na 12 hanggang 24 na oras.
Dahil dito, mainit at maalinsangang panahon na ang mararanasan sa malaking bahagi ng bansa.
Sa Metro Manila, inaasahang aabot sa 34 degrees Celsius ang maitatalang pinakamataas na temperatura.
Sa magiging lagay ng panahon ngayong araw ang buong bansa ay makararanas ng mainit na panahon na mayroong localized thunderstorm sa hapon o gabi.
Wala namang inaasahang sama ng panahon na mabubuo o papasok sa bansa sa susunod na mga araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.