Cortes, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 18 kilometers southeast ng bayan ng Cortes, alas-8:59 gabi ng Martes (July 14).
Naitala naman ang sumusunod na intensities:
Intensity 3 – Cortes, Lanuza, at Tandag City, Surigao del Sur
Intensity 2 – Carmen, Surigao del Sur
Naitala rin ang instrumental intensity 1 sa Surigao City, Surigao del Norte
May lalim na 26 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.