COVID-19 cases sa Muntinlupa City, halos 700 na

Nasa 692 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:00, Martes ng gabi (July 14), sa nasabing bilang ay 293 ang aktibong kaso.

417 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 269 ang suspected cases.

Samantala, 349 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 50 naman ang nasawi.

Read more...