34 residente sa Western Visayas, gumaling sa COVID-19
Nagpositibo ang 19 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang July 14, umakyat na sa 611 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
376 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Karamihan sa mga bagong kaso ay locally stranded individuals.
Nakasailalim ang mga bagong COVID-19 patient sa quarantine facility.
34 naman ang bagong gumaling sa Western Visayas.
Dahil dito, umakyat na sa 224 ang total recoveries sa Western Visayas.
Nananatili pa rin sa 11 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.