COVID-19 cases sa Mandaluyong City, umabot na sa 1,153
Napaulat ang 25 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Martes ng hapon (July 14), 1,153 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa 1,153, 304 ang aktibong kaso.
151 ang itinuturing na probable cases habang 747 ang suspected cases kung saan 4,186 ang cleared na.
Nadagdagan naman ng walo ang mga bagong gumaling.
Dahil dito, 776 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
73 namang residente ang pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.