Paghahanap ng katarungan sa mga biktima ng Martial Law tuloy – Malacañang

Martial law
Inquirer file photo

Tiniyak ng Malacañang na hindi nila kinalimutan ang mga biktima ng Martial Law noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Reaksyon ito ni Communications Sec. Sonny Coloma matapos na ireklamo umano ng mga biktima ng Martial Law ang mabagal na pagbibigay sa kanila ng hustisya pati na ang kabiguan ng pamahalaan na marekober ang ill- gotten wealth ng Pamilya Marcos.

Katunayan, nasa 76,000 claims mula sa mga indibidwal at pamilyang  biktima ng batas Militar ang kasalukuyang pino-proseso ng Human Rights claims board ayon sa Kalihim.

Ang pondo aniya para dito ay mangagagling sa mga ill- gotten wealth ng mga Marcos na hinahabol ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Sa ngayon, ang Pilipinas ang natatanging bansa na may ganitong pagsisikap sa pamamagitan ng isang ahensya ng gobyerno, dagdag pa ni Coloma.

Mahigit din umano ang pakikipag-ugnayan ng ehekitibo sa hudikatura para mabigyan ng katarungan ang mga biktima sa ilalim ng rehimeng Marcos.

Read more...