Kaso ng COVID-19 sa Marikina City, nadagdagan pa
By Angellic Jordan July 14, 2020 - 07:07 PM
Nadagdagan pa ang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Marikina City.
Sa datos hanggang 3:00, Martes ng hapon, July 14, umabot na sa 491 ang mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 160 ang aktibong kaso.
Pinakamaraming aktibong kaso ng pandemya sa Barangay Parang na may 34 active cases.
nasa 299 residente na ang naka-recover o gumaling na sa sakit sa lungsod.
Nasa 32 pa rin ang pumanaw bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.