Mga Filipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19, 8,872 na

Nasa tatlo ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang July 14, umakyat na sa 8,872 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 64 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 2,977 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

5,277 naman ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, nanatili naman sa 618 ang pumanaw na Filipino abroad dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,431 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,054 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 699 naman ang kaso sa Americas at 688 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...