Sen. Sotto, pinuri ang pahayag ng US sa pag-angkin ng China sa South China Sea
Tama lang, ayon kay Senate President Vicente Sotto III, ang pagbasura ng US sa pag-angkin ng China sa South China Sea.
Sinabi ni Sotto na tama si US Secretary of State Mike Pompeo na dapat ay igiit ng Pilipinas ang pagmamay-ari sa inaagaw na bahagi ng South China Sea.
“We should never give up the fight for what is legally ours. We should never cower in fear from the harassment and political intimidation that foreign governments impose on us. We should stand firm and prove that we as a nation remain united in our common desire to claim and protect our sovereign jurisdiction,” sabi ni Sotto.
Diin nito, ang mali ay hindi maaring itama dahil sa kapritso ng isang bansa na inaangkin ang buong South China Sea.
“We shall never and should not shut up into giving up our offshore treasures. Let us continue to hold hands in our fight for our sovereign rights,” dagdag pa nito.
Araw ng Lunes, July 13, sinuportahan ni Pompeo ang pag-angkin ng Pilipinas sa Mischief Reef o Panganiban Reef at sa Ayungin Shoal, base sa naging desisyon ng Arbitral Tribunal noong Hulyo 12, 2016.
Kinondena din nito ang mga agresibong hakbang ng China sa mga karagatan na malapit sa Vietnam, Malaysia, Brunei at Indonesia.
“Beijing uses intimidation to undermine the sovereign rights of Southeast Asian coastal states in the South China Sea, bully them out of offshore resources, assert unilateral dominion, and replace international law with ‘might makes right,’” sabi ni Pompeo.
Una na ring sinabi ni Foreign Affairs Sec. Teddyboy Locsin na ‘non-negotiable’ ang panalo ng Pilipinas sa Arbitral Tribunal kayat dapat sumunod ang China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.