3 konsehal sa QC, tinamaan ng COVID-19; QC Legislative Building, pansamantalang isasara
Nagpositibo sa COVID-19 ang tatlong konsehal at ilang office staff sa Quezon City.
Dahil dito, sinabi ng QC government na batay sa rekomendasyon ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), pansamantalang isasara ang QC Legislative Building.
Ayon kay Vice Mayor at City Council Presiding Officer Gian Sotto, magsisimulang isara ang gusali sa Miyerkules, July 15, hanggang July 19 o kung kailan matatapos ng CESU ang testing at containment measures.
Magsasagawa rin ang CESU ng contact tracing at follow-up testing kung kakailanganin.
Hinikayat naman ang lahat na manatiling kalmado at maingat sa gitna ng laban kontra COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.