Matapos makakuha ng travel pass at health clearances, napauwi ni Senator Christopher Go ang may 1,000 locally stranded individuals o LSIs sa Albay.
Ang tanggapan na rin ng senador ang kumilos para maisalang sa test ang mga LSIs bukod pa sa mga pagkain at inilapit din nito sa DSWD na mabigyan sila ng pinansiyal na tulong.
“Nais ko ipaalala sa lahat na hindi natin pwedeng ipagkait ang karapatan ng mga Pilipino na makauwi sa sarili nilang bayan. Gawin lang po ito sa ligtas at tamang paraan. Sundin palagi ang health and safety protocols, at siguraduhin na maprotektahan ang mga komunidad na kanilang uuwian,” diin ng senador.
May ilan ding napauwi si Go sa Bohol sa pamamagitan ng barko ng Philippine Coast Guard noong Hulyo 11.
Una nang ikinasa ni Go ang Balik Probinsiya, Balik Pag-Asa program para sa mga nasa Metro Manila na nais makapagsimula ng panibagong buhay sa probinsiya.
Ngunit pansamantalang nahinto ang programa para bigyan daan ang Hatid Tulong program na para naman sa mga na-stranded sa Metro Manila at sila ay makauwi na sa kani-kanilang probinsiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.