Umabot na sa mahigit 80,000 na mga stranded overseas Filipino workers ang nakauwi ng bansa.
Sa pagdinig ng House committee on public accounts, sinabi ni Foreign Affairs Usec. Sarah Arriola, sa nasabing bilang, 25,777 stranded OFWs ang nakauwi na ng bansa sa nakalipas na mahigit dalawang linggo mula sa 60 bansa at 132 cruise ships.
Sa kabuuan hanggang Lunes, Hulyo 13, sinabi ni Arriola na 82,057 na ang mga repatriated OFWs, kung saan ang 38,308 dito ang sea-based at 43,749 naman ang land-based.
Naging mabilis aniya ang pagpapauwi sa mga stranded na mga Filipino matapos payagan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang paglapag ng mas maraming chartered flights kasunod nang pagpapaluwag sa quarantine protocols noong nakaraang buwan.
Samantala, umapela naman ang DFA sa mga OFWs sa United Arab Emirates (UAE) na makipag-ugnayan sa embahada ng bansa para maasikaso kaagad ang kanilang pag-uwi ng Pilipinas.
Ito ay kasunod ng ulat na sinisingil ng overstaying fees ang mga stranded OFWs sa UAE.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.