Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang bagyo sa layong 140 kilometers West Northwest ng Basco, Batanes dakong 4:00 ng hapon.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.
Bumagal ang pagkilos ng bagyo sa direksyong pa-Hilagang Kanluran.
Sinabi naman ng weather bureau na mararanasan pa rin ang moderate hanggang rough seas sa seaboards ng Batanes, Ilocos Norte, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, at Isabela sa susunod na 24 oras.
Dahil dito, pinayuhan ang mga maliliit na sasakyang-pandagat na huwag munang pumalaot.
Ayon pa sa PAGASA, inaasahang hihina ang bagyo at magiging Low Pressure Area (LPA) na lamang, Martes ng gabi (July 14) o Miyerkules ng umaga (July 15).