BREAKING: Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 57,545 na
Nadagdagan pa nang mahigit 600 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Martes ng hapon (July 14), umabot na sa 57,545 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 35,483 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 634 na bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 302 ang “fresh cases” habang 332 ang “late cases.”
“Ang mga kaso iniulat natin ngayong araw ay mula po sa laboratory submissions ng 49 out of 82 licensed laboratories,” ani Vergeire.
Nasa anim naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 1,603 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 88 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 20,459 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.