9 pulis na sangkot sa pagkasawi ng apat na sundalo sa Sulu, haharap sa NBI
Haharap sa National Bureau of Investigation (NBI) ang siyam na pulis na sangkot sa pagkasawi ng apat na sundalo sa Sulu.
Ayon kay Police Brig. Gen. Bernard Banac, haharap sa NBI ang mga pulis sa Miyerkules, July 15.
Bahagi aniya ito ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng NBI sa insidente.
Sinabi ni Banac na mananatili ang siyam na pulis sa kustodiya ng pulisya at agad ibabalik sa Camp Crame sa Quezon City.
Mananatili aniya sa Camp Crame ang mga pulis habang hinihintay ang susunod na instruction o schedule sa ginagawang imbestigasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.