DOLE: ABS-CBN obligadong bigyan ng kompensasyon ang mga trabahador

By Jan Escosio July 14, 2020 - 04:07 PM

May obligasyon ang ABS-CBN na bigyan ng kompensasyon ang kanilang mga trabahador na mawawalan ng trabaho bunga ng pagtanggi ng Kamara na bigyan ng bagong prangkisa ang TV network.

Sinabi ni Labor Usec. Ana Dione na kung talagang may malasakit ang ABS-CBN sa kanilang mga trabahador, dapat sundin nila ang kanilang mga obligasyon na ayon sa itinakda ng batas.

“If they truly care for their workers, then the network is morally bound to give them all pays and emoluments that the law provides. Besides, our labor laws mandate a company that reduces its workforce or has ceased operations to provide its employees with severance pays or similar emoluments.The employees should therefore be assured that they are getting separation benefits, and start anew,” ang pahayag ng kagawaran.

Pagtitiyak din ng opisyal na batid nila ang kalungkutan ng mga ABS-CBN worker na apektado ng desisyon ng Kamara at aniya, handa silang magbigay tulong sa mga mawawalan ng trabaho.

Aniya, kailangan lang nila ang tunay na bilang at kung sino sa mga empleyado ng ABS-CBN ang mawawalan ng trabaho para mabatid ang mga benepisyo na nararapat sa kanila.

TAGS: ABS-CBN, ABS-CBN franchise, ABS-CBN franchise renewal, compensation, DOLE, Inquirer News, Labor Usec. Ana Dione, Radyo Inquirer news, ABS-CBN, ABS-CBN franchise, ABS-CBN franchise renewal, compensation, DOLE, Inquirer News, Labor Usec. Ana Dione, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.