Bilang ng ridership sa apat na rail lines, umabot sa 6.7-M
Umabot sa mahigit 6.7 milyon ang bilang ng ridership ng apat na rail lines, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Ayon sa kagawaran, ito ay simula nang magbalik-operasyon ang mga tren nang isailalim ang National Capital Region (NCR) sa general community quarantine (GCQ) phase 1 at 2 noong June 1 hanggang July 12.
Sa datos ng DOTr, nasa 6,702,192 ang ridership ng Light Rail Transit Line 1 at 2, Metro Rail Transit Line 3 at Philippine National Railways.
Naitala ang nasabing bilang simula June 1 hanggang 30.
Narito ang bilang ng ridership sa mga sumusunod na rail lines:
LRT-1 – 2,343,824
LRT-2 – 655,734
MRT-3 – 1,351,441
PNR – 307,083
Narito ang bilang ng ridership sa mga sumusunod na rail lines mula July 1 hanggang 12:
LRT-1 – 1,278,540
LRT-2 – 342,143
MRT-3 – 251,565
PNR – 171,862
Matatandaang nagkaroon ng temporary shutdown ang MRT-3 mula July 7 hanggang 12 matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang tauhan ng tren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.